Classroom auttaa opettajia säästämään aikaa, pitämään kurssit järjestyksessä ja parantamaan yhteydenpitoa oppilaiden kanssa.
Ang Classroom ay isang bagong tool sa Google Apps para sa Edukasyon na tumutulong sa mga guro na mabilis na gumawa at mag-ayos ng mga takdang-aralin, epektibong magbigay ng feedback at madaling makipagkomunika sa kanilang mga klase. Tinutulungan ng Classroom ang mga mag-aaral na ayusin ang kanilang gawain sa Google Drive, kumpletuhin ito at ipasa at direktang makipagkomunika sa kanilang mga guro at kaklase.
Gumawa at mangolekta ng mga takdang-aralin
Pinagsasama-sama ng Classroom ang Google Docs, Drive at Gmail upang matulungan ang mga guro na gumawa at mangolekta ng mga takdang-aralin nang hindi na nangangailangan ng papel. Mabilis nilang makikita kung sino ang nakatapos na o hindi pa sa kanilang gawain at magbigay ng direkta at real-time na feedback sa indibidwal na mga mag-aaral.
Pahusayin ang mga komunikasyon sa klase
Maaaring magawa ng mga guro na mag-anunsyo, magtanong at magkomento sa mga mag-aaral nang real time—na magpapahusay sa komunikasyon sa loob at labas ng klase.
Manatiling maayos
Awtomatikong gumagawa ang Classroom ng mga folder sa Drive para sa bawat takdang-aralin at para sa bawat mag-aaral. Madaling makikita ng mga mag-aaral kung ano ang dapat ipasa sa kanilang page na Mga Takdang-aralin.